Sunday, June 25, 2006
I just came back from my dorm this morning.. School is starting to get busy.. Nagkakaron na kame ng mga assignments at mga lessons.. At sa wakas.. Nagsimula nang magsipasok ang mga ground instructor namen.. hehehe!
It was another happy week for me! Of course, my school week started on Tuesday.. Nagpunta muna ako sa QC city hall para kumuha ng NBI clearance. Grabe.. 5 ako pumila don.. tapos 9 ko na nakuha yung receipt ko.. Ang masama pa dun, may kapangalan ako.. Kaya sa June 30 ko pa makukuha yung NBI clearance ko.. Oh well, aus lang yun kasi wla pa akong balak pumunta sa ATO (Air Transportation Office) para kumuha ng Student Pilot License. 6 kase sa batch mates namen ang bumagsak sa depth and perception test sa mata.. Kaya yun.. mga excited kase… I will just have to wait for the instructions of the school before we go to ATO. Last Tuesday, nakdalaw din ako sa Montessori, at talagang malaki yung improvement nito.. Lalo na dun sa gate.. it is bigger and better! Hehehehe! Nakasama ko rin si Gabelle nung Tuesday at hinatid niya pa ako sa dorm ko.. Ang sweet naman..=)
Masaya paren ang buhay sa aming dorm.. Last Thursday nagkaron kame ng labanan.. Powder fight! Nag batuhan at nag ubusan ung nga ka dorm mates ko ng kanilang baon na polbo.. Kaya ayun.. Nag amoy polbo yung kwarto namen at namumuti.. Kaya napilitan kameng mag general cleaning nung gabing yon…
Madami pa sana akong kkwento, but I am starting to get busy.. I need to practice my Flight Simulator skills! Sim training ko na sa July 19… hehehe tagal pa.. excited na ako!

Nakuha ko na uniform ko.. mukha na bang piloto?
Ivan hovered through the skies; 2:49 PM
Monday, June 19, 2006
One week is done and everything is going fine. My 1st week is a lot of fun at the dorm and at the school since most of our ground instructors are absent for the week, we dont have classes and we just hang out at the dorm. Sometimes we go to SM mall of Asia but we always have a hard time getting our gate passes signed by the director because the school imposes closed-door policy especially to the dormers. But even if its like that, we still find ways to have fun. Sometimes we just eat and eat and eat…
Our favorite meryenda is Sky Flakes with matching Ladys Choice mayo spread… Hay.. Ang sarap talaga.. I think that I will gain weight there, sayang yung na exercise ko sa ab king pro.. Pero meron parin naman kameng mga physical activties tulad ng basketball gabi gabi… Buti nalang may court..
My dorm mates are friendly people. When I entered our dorm, the first guy that I saw was Amiel and Mark. Mga bagong gising sila noon. Tas naliligo sa banyo si Justin. Ang bilis ng pagiging bonded namen. After the breakfast, magkakakilala na kameng lahat at dun na nabuo ang barkadahan ng mga Dorm Boys!
The Dorm Boys:
1. Justin – Si Justin ang aming Mayor/Cabo sa dorm… Siya kasi ang pinakamalaki samen.. Ang Chinese Guy from Davao city, siya ang pinakamalayo ang bahay sa aming lahat dahil 1 hour and a half ang byahe pauwi sa kanila by plane. Astig tong Mayor namen dahil sa aming lahat, siya palang ang may experience na magpalipad ng eroplano dahil nagpalipad na siya sa Davao.
Arick – Ang special child… Sa totoo lang ay hindi namen siya ka dorm, dahil dun siya sa special dorm yung VIP room (kaya siya naging special). Etong si Arick ay isang friendly na bata.. Super friendly nga yata eh.. Halos lahat kinakausap nya.. hehehe!
Mark – Etong si Mark ay makulit talaga… Pero naging tahimik siya matapos namen siyang asarin kay Leona.. Sobrang torpe kase niya.. hehehe! Peace man
Amiel – Isa pa tong makulit si Amiel.. Isa siya sa mga mantika matulog… Kaya minsan ay 8:00 ang pasok namen eh 7:45 tulog pa siya.. oh diba! Aus noh pare! Eto rin ay loyal na loyal sa kanyang girlfriend.. parang ako! Hehehe! Kase meron siyang baon na photo frame na picture nila ng girlfriend nya at ang kanyang filler ay puro picture nila ng gf nya..
Markell – Eto na yata ang pinakamakulet sameng lahat.. walang siyang sinasanto kahit si Cabo di niya pinapalampas.. Lahat tinitira nya.. hehehe! Kasabay ko tong maligo tuwing umaga pero sa magkaibang cubicle siyempre.. para makaiwas kame sa traffic sa banyo, dun kame sa kabilang dorm naliligo..
Kevin – Eto ang pinaka malupet sameng lahat pagdating sa chicks! Grabe.. wala akong masabi…basta yun na yun..Siya ang natutulog sa ilalim ko dahil dobol deck ang kama sa kwarto namen..
Ren – Isa din sa makulet.. at excited pumasok tulad ko… Pero tulog mantika rin at angtagal pang maligo.. Etong si Ren ay magaling sa basketball.. Di ko alam na MVP pala to sa barangay nila..
Brylle – Eto ang pinaka magaling samen sa basketball! High flyer ba.. Makulit din eto.. Pero paminsan minsan tahimik lang.. Dahil bigla bigla nalang natutulog. Mabenta ang celphone nito kase sa cel nya madaming.. secret!
Gerald – Ang aking kababayan from San Ildefonso, Bulacan. Etong si Gerald, silent but deadly.. Ang tawag namen sa kanya ay Shaq. Mala Oneal ba naman kung maglaro eh.. tas anlaki pa.. hehehe
Jeff – Si Jeff ang masasabi kong pinakatahimik sameng lahat.. Pero humihirit din naman paminsan minsan.. Kulang pa siguro sa bonding..
Adam – wats up mate! Ang Australian na ka dorm ni Arick.. Di siya masyadong close sa barkada namen pero ka bonding namen siya pag gabi na.. Masarap din tong kasama.. maraming supply eh.. hehehe!
Yan ang aking mga ka dorm.. Masasaya silang lahat kasama! Siyempre dorm boys eh!
Di pa namen masyadong ka close yung mga nasa kabilang dorm kase isolated yung building namen.. pero mababait naman yung mga nandun, lalo na yung mga Senior namen tulad ni Arthur, Bong at Poch.
Sabi nila, mahirap daw maging piloto.. Lalo na pag nagaaral ka sa Airlink.. But you will be fine.. as long as you have the right attitude.. AT dapat marunong kang makisama..

pilots on the house!
Dorm boys!
ang Cabo namen..
Ivan hovered through the skies; 11:41 AM
Monday, June 12, 2006
Today is my last day of vacation because tomorrow I will be having my first day of classes.. I am really excited right now.. From the moment I woke up this morning I am already feeling the excitement.. But behind that excitement, there is still a sad feeling.. Studying at Airlink and living at a dorm would mean that I would leave this house. The house where I spent the first 17 years of my life. I will be living now in a new environment. Meeting new people and facing tougher challenges.. All of these are part of my training to be a full pledged pilot. This will be my first time to live somewhere else.. But I will not really miss this house because I will still be here during weekends.
New Cellphone!
I got a very nice gift from my dad.. An independence day gift or an early fathers day gift I should say.. hehehe! (baliktad na ang mundo!) Well, my old cellphone is really old and it needs to retire so my dad thought to buy me a new cellphone because it was already his plan to buy me a new cellphone last year. So finally I got one before the beginning of classes. My cellphone is the Walkman phone W810i from Sony Ericsson. I even got a free Da Vinci Code leather jacket. But the bad thing about having a new cellphone is you dont want to scratch it which I freely do on my old cellphone... I still have the plastic covering on the screen and probably would keep it there for a week or so..
Thats it for now, I need to prepare my things for tomorrow is a BIG day for me.
Peace.
Ivan hovered through the skies; 8:25 PM
Tuesday, June 06, 2006
Laoag Adventure! (continuation)
Day 3
I woke up at around 5:00 in the morning and it was so cold! (grrr…) Grabe yung ginaw, wala pa naman akong kumot. Hindi ko na natitiis kaya lumipat ako dun sa may cottage at ginawa kong kumot yung towel ko. At around 5:30 may gumigising sakin, si John Mark giniginaw din kaya nagyaya siyang magswimming.. Siyempre pumayag naman ako.. Pagkabangon ko.. Diretso kaagad kame sa dagat.. hehehehe! Hindi na kame nag unat.. Ang sarap ng tubig.. maligamgam.. After naming magswimming sandali, nagbreakfast muna tas swimming ulit.. Sinamahan muna namen yung mga girls na manguha ng mga shells sa beach.. After naming manguha ng shells.. Morning devotion na.. Tapos swimming nanaman.. Hay.. parang sobrang sabik kame sa swimming lahat… hehehehe! Masaya yung naging experience namen nung nag arkila si Marikris ng boat.. Dinala kame nung boat sa gitna ng dagat.. dun sa part na maraming corals.. Grabeh.. ang ganda.. wala akong masabi.. mga 15-20 ft. yung lalim ng dagat dun at may malaki kameng achievement ni John Mark dahil naabot namen yung ilalim.. nakakauha pa nga kame ng mga bato bilang remembrance kaso naiwan din namen.. By 12:00 naglunch na kame tapos nagprepare na kame na umalis ng Pagudpud.. hay…. Pagbalik kila Ate Marikris.. Kanya kanyang shower dahil hindi kame nakapag shower sa Pagudpud.. Pagkatapos magshower.. Kanya kanyang tulog dahil pagod lahat.. Tapos nagprepare na kame sa aming paguwi.. Hay.. tapos na vacation namen..
Back at Laoag.. we were there at around 8:30 in the evening.. We bought some pasalubong and then we went to a church were we had our last bonding moment in the churchs parking area.. Grabeh.. Yun na yung last nyt namen.. AT masasabi ko na talagang sobrang saya ng experience ko sa Laoag.. mamimiss ko talaga yun…
End..
Ivan hovered through the skies; 6:07 PM
Sunday, June 04, 2006
Laoag Adventure! (continuation)
Day 2
We started our day with our morning devotion. After the devotion, we ate breakfast then we prepared for our next activity. That morning, we went to a Youth Camp in Laoag City. We attended the morning session of the camp. To our surprise, when we arrived at the camp, we saw Pastor Randy. Si Pastor Randy ay dating nag Pastor sa church namen.. Kaya masayang masaya kame nung nakita namen siya. After nung morning session, bumalik na kame sa bahay nila Marikris para pumunta sa aming next destination.. ang Pagudpud beach! Pagdating sa bahay nila, kumaen lang kame ng lunch tapos kanya kanya nang prepare para sa pagpunta sa Pagudpud.. Kinailangan nameng magdala ng extra clothes dahil overnight kame dun! Nung dumating na yung sasakyan namen.. nashock kame! Dahil isa itong Truck! Anlupet! Sasakay kame ng truck papuntang pagudpud! Halos 2 hours din yung byahe namen papuntang Pagudpud kaya talagang nadaing kame sa pagkabilad sa araw…
Papunta kame ng Pagudpud!
After 2 hours of travel, we finally reached Pagudpud… Its white sand beaches is almost comparable to Boracay.. Sabi nila.. Pagkadating namen dun… Wala na kameng pinalampas na oras, pagkababa ng mga gamit namen.. Diretso kaagad kami sa dagat.. Nagsawa kame sa kakaswimming nila John Mark! Habang kame ay nagsiswimming ay napagtripan nila akong ibaon sa buhangin… Grabe.. ang sarap pala ng feeling nun.. pero habang tumatagal at lalong bumibigat yung buhangin.. humihirap din.. Naisipan din nung ibang boys na magpabaon.. Ang plano kase eh magpapapicture kameng lahat ng boys ng nakabaon eh kaso antagal nilang magbaon ng iba kaya hindi na ako nakatiis dahil sobrang kati na ng likod ko at tumayo na ako.. Nung tumayo ako.. si Pastor JR nalang ang hindi nababaon.. eh kaso ang kulit ni Pastor JR.. kasi nanunuhog sya ng ano.. tut* Kaya tumayo lahat ng guys at pinagtulungtungan namen siya ibaon.. hehehehe!
Nagsawa kameng magswimming nung dumidilim na..
parang model lang ahh! =)
So nagsimula na kaming magsi ahon at magbanlaw sa mahiwagang balon.. At pagkatapos ay nagdinner na kame.. After the dinner, we had our evangelism time for the family of Ate Marikris.. So nagpreach si Pastor at pinagpray din namen yung family nya.. After ng evangelism time ay nagkaron kame ng bonding tym.. this tym naman may bonfire na kame.. So we had our sharing tym.. Hanggang sa antukin na kame..
marami rami narin kameng nasunog na kahoy at kung ano anong bagay!
Lahat kame ay sa beach nakatulog.. Naglatag lang kame ng twalya at ayus na! grabe! Ang sayang experience nun.. first tym ko lang makatulog sa beach.. as in sa mismong sand…
Yun muna ang kekwento ko for day 2..
Day 3
To be continued…
Ivan hovered through the skies; 9:18 PM
Saturday, June 03, 2006
Laoag adventure!
I just came back from Laoag yesterday, I was very tired, but still very happy! Siyempre naman, sa dinami dami ng naranasan ko sa Laoag eh talagang napakasaya ko..
May 29, 2006
9:00 pm
We were at the Maria De Leon Bus Terminal at Dapitan ave. The bus was leaving at 9:30 so we still have enough time to buy snacks for the trip at the nearby store. Bumili lang ako ng isang mineral water. Baon ko sana sa buong trip, kaso nung nag CR kame nahulog yung takip so napilitan na akong ubusin yung buong bote sa terminal pa lang.. tsk tsk.. hehehe! At around 9:20, wala parin si Pastor JR, eh paalis na yung bus.. So kinausap namen yung driver na may hinihintay pa.. Pero saktong sakto naman, dumating na siya bago pa umalis yung Bus.
9:30 pm
The bus left exactly at 9:30, a few minutes later we were at the North Luzon Express Way. The trip was supposed to be 12 hours but since we were travelling at night it was lessened to 9 hours. When we were at NLEX, some people were already sleeping, pero kame ng mga katabi ko.. Si Popoy, John Mark at Rodney eh sobrang energetic pa.. Nagtatawanan pa kame.. Yan tuloy, napagsabihan kame nung isa sa mga pasahero..
Pare, oras na ng tulog, pakihinaan naman..
After nun, hindi na kame masyadong malakas magtawanan.. hehehe! Siyempre hininaan na namen.. Eventually, nakatulog din kame.. pagod din kasi kame dahil galing nga sa puyat.. Yung first stop namen ay sa isang Shell station sa San Fernando, La Union. It was around 1:30 in the morning.. Pagbaba ng bus, para kameng mga bateryang na re-charge.. Tawanan nanaman! Hehehe! Inaasar kase namen si Pastor JR dahil yung katabi niyang babae eh hindi naman siya kilala pero sumandal sa balikat niya! The power of Handsome talaga! Hehehe! Nung umalis yung bus, resume ako sa pagtulog.. pero yung katabi kong si John Mark.. patuloy parin sa paglalaro ng kanyang Celphone. Our next stop was somewhere in Ilocos Sur I think. Di ako sure kase nung nagising ako, nandun na kame sa restaurant. Actually, ihi-stop lang yun.. Pero di naman ako na cCR kaya di na ako buamaba. Si Marikris, bumili ng special bibingka, astig! Ang sarap niya kase ang init, tas ang ginaw pa sa bus.. Kaso sobrang sticky nya kaya dumidikit sa braces ko so isa lang nakain ko.. Pero yung iba, ang daming nakain.. After nun, di ako kaagad nakatulog.. Medyo sumisikat na kasi yung araw… I had to do some little sight seeing of Ilocos Sur. Eventually, nakatulog ulit ako.. At nang ako ay nagising ay nasa Ilocos Norte na kame… at Malapit na sa Laoag! Yehey!
May 30, 2006 6:30 am
Day 1
We arrived at the Laoag bus terminal. The father of Marikris was waiting for us there. Mga 30 minutes pa ang biyahe mula sa Laoag papuntang Pasuquin, Ilocos Norte, ang bayan nila ate Marikris.. Ang masama nga lang, walang signal ang Sun Cel sa Pasuquin. Sa Laoag lang may signal.. Kaya inutil yung celphone ko.. Nung dumating kame sa bahay nila.. eh na-stun kame sa laki at ganda ng kanilang bahay.. Nag aaway pa kame ng mga girls kase dapat amen yung room sa baba.. maganda sana yun dahil nasa isang malaking room sana kame.. Well eventually, sa second floor kame napunta at yung mga girls sa baba.. We had a very tiring trip so some of us had to rest.. But all I needed was a shower and I am recharged again… We had our breakfast na sobrang sarap.. Natikman ko yung Longanissa ng Ilocos Norte na talagang mapakasarap at yung Biscocho.. By 12:30 maglilibot kame sa Laoag so naglibot muna kame sa village nila Marikris gamit yung dalawa nilang scooter.
12:30 pm
After taking our lunch, we went to Laoag city for our city tour. Our first stop was the Laoag city market. Noong una, iniisip ko kung bakit kame dadalhin sa market.. Eh may market din naman sa Manila. Yun pala, astig yung market sa Laoag.. yung market kasi nila hangang 3rd Floor! At hindi lang yun, may basement pa.. at eto ang isa pang astig! Meron itong escalator.. oh diba.. high tech.. hehehehe! After nung ameng palengke tour, we rode the Kalesa and strolled along the streets of Laoag city. We saw the Laoag City Bell tower and the Laoag Auditorium.. After nun, we were back to our van for our next destination.. Batac, Ilocos Norte! We went to the Marcos Museum. Nakita namen yung sinasabi nilang katawan ni Marcos.. hmm.. Looks like wax to me.. After nameng maglibot sa Museum.. Kumaen kame ng sobrang sarap na Sobrang special.. The pride of Ilocos.. ang Empanada! Astig yung empanada nila.. crunchy eto at kulay orange.. parang tok neneng.. tas siksik sa laman.. grabe ang sarap talaga! After nun, we went to Paoay Church.. The oldest church in Ilocos Norte and one of the oldest in the Philippines. It was built in the 1500s so sobrang luma na talaga nito.. After that, we went to the” Malacanang of the North”..
Yun ang tawag sa lugar na yun, dahil pinatayo daw yun ni Ferdinand Marcos para bakasyunan nila.. Astig din yung lugar na yun.. kase ang ganda nung Paoay Lake..
After nun, we went to Fort Ilocandia.. Di kame pinapasok sa loob ng hotel kasi natunugan ata nila na hindi kame mag ccheck in.. so we just strolled along the beach… Grabe.. ang ganda rin ng beach dun.. tas ang lakas pa ng alon.. That was our last stop of the day.. We went back to Pasuquin, and prepared to go to the beach… Hapon na yun, mga 6:00 so mag nanight swimming sana kame tsaka bon fire by the beach.. Nung nandun na kame sa beach.. grabe swimming kaagad kame! Parang lahat kame sabik sa dagat! Ang saya saya namen kase solong solo namen yung beach.. Kaso walang ilaw.. ang ilaw lang namen eh yung moonlight.. after 30 minutes, nagtext yung papa ni Marikris kase hindi daw safe na magswimming dun pag gabi so we had to pack our things and return home.. Pero ayos lang.. at least nakapag swimming kame for 30 minutes..Back at the house, we just ate dinner tapos devotion lang.. After nung devotion, nagkaron kame ng bonding tym. Ang saya ng bonding tym namen.. Spin the bottle tapos yung matuturo eh kailangang magsabi ng isang bagay tungkol sa kanila na alam ng iba at hindi alam ng iba.. Grabeh, andami kong nalaman tungkol sa mga kasama ko na shocking… At may nashare din ako sa kanila na secret ko na ako lang talga ang nakakaalam.. After nun, tulugan tym na…. Pero pagdating sa kwarto, kwentuhan parin kame ng mga boys… Hanggang sa makatulog kame…
End of Day 1
Day 2 and Day 3
To be continued…
Ivan hovered through the skies; 10:39 PM